[LYRICS] Khenzo x Nik Makino – Hindi Kayang Masabi

“Hindi Kayang Masabi Lyrics BY Khenzo x Nik Makino”

Idadaan ko na lang sa isang awitin
Dahil nahihiya ako para sayo’y aminin
Tila ba’y parang nahulog ng isang katulad ko
Sa isang babae na mala-anghel katulad mo
Lagi akong nag-aabang baka sakaling dumaan
Ewan ko ba ako’y nababaliw muntik masagasaan
Kakatitig ko sayo hindi na ko makagalaw
Dahil sa taglay na ganda unti-unti ng natutunaw
Oo nga mahal kita kaso hindi mo nakikita
Buksan man ang aking puso pangalan mo makikita
Baliw na ata ngumingiti na mag-isa
Habang ako’y nakahiga ikaw pa din ang nakikita

Ano ba to bat di ako mapakali
Sayo may gusto nga aminin na kasi
Sayong harap bat di ko to kayang sabihin
Kaya ito dinadaan saking awitin
Ano ba to bat di ako mapakali
Sayo may gusto nga aminin na kasi
Sayong harap bat di ko to kayang sabihin
Kaya ito dinadaan saking awitin
Saking awitin yeah…

ALSO READ:  [LYRICS] Big Zulu – Imali Eningi

Dahil sayo nagbagong buhay ang isang katulad ko
Na dating gago sa kalsada at sakit sa mga ulo
Ngayong nakakulong na lang dito sa aking kwarto
Nakangiti at nakatitig sayong mga litrato
Ewan ko ba bat iniisip ko ako ay natatakot
Baka malaman mong mahal kita ikaw ay sumimangot
Bumalot ang galit sa akin at ikaw ay lumayo
Ayoko yun mangyari papaano na ang puso kung ika’y wala na
Balewala na para mabuhay pa sana merong pag-asa

Ano ba to bat di ako mapakali
Sayo may gusto nga aminin na kasi
Sayong harap bat di ko to kayang sabihin
Kaya ito dinadaan saking awitin
Ano ba to bat di ako mapakali
Sayo may gusto nga aminin na kasi
Sayong harap bat di ko to kayang sabihin
Kaya ito dinadaan saking awitin
Saking awitin yeah…

ALSO READ:  [LYRICS] NISSI – Tornado

Ngayong merong lakas loob para sa iyo’y aminin
Ako’y napahinto sayo ako’y nakatingin
Hindi dahil nahihiya huli na pala ang lahat
Huminto na ang mundo para sa akin mabigat
Parang lusaw na tsokolateng di na babalik sa dati
Kung naging matapang lang at pinaglaban ka na dati (sayang)
Ako’y nanghihinayang bakit ba nagiging pipe
Sasabihin lang namang mahal kita hindi masabi
Inuna ang kaba ngayon ako’y napag-iwanan
Nagsisisi sa huli nawala ang kasiyahan

Ano ba to bat di ako mapakali
Sayo may gusto nga aminin na kasi
Sayong harap bat di ko to kayang sabihin
Kaya ito dinadaan saking awitin
Ano ba to bat di ako mapakali
Sayo may gusto nga aminin na kasi
Sayong harap bat di ko to kayang sabihin
Kaya ito dinadaan saking awitin
SUBMIT OR CORRECT LYRICS

ALSO READ:  Judith Gayle – Whom God Bless Lyrics

You cannot copy but rather type the content of this page