LYRICS: Sweeney Banac – Panandalian

Panandalian Lyrics by Sweeney Banac –

Di ko akalaing magiging ganito
Sabik ang puso at ikaw ang hanap ko
Sa pagdating ng bawat araw
Ay lalo pang lumilinaw
Na ikaw ang pag-ibig
Maaari bang limutin ang lahat
Mawala sa paraisong
Ikaw at ako lamang
Lilisanin ang balakid
Di na kaya pang ilihim na ikaw ang pag-ibig

‘Pagkat sa libo-libong pagkakataon
Kung saan walang tiyak ang panahon
Tanging bulong ng puso ko
Ang panghahawakan
Makapiling ka lamang
Kahit panandalian
Iwasan ma’t sabihin sa aking damdamin
Ngunit kahit anong pilit pang isipin
Hindi sigurado ngunit bakit tama ang nadarama
Hawakan mo ang aking puso at mawala
Kahit panandalian

ALSO READ:  [Lyrics] Yadah - Onye Inaputara

Hahamakin ang pagsubok ng mundo
Kahit sabihin man ng iba ay mali ito
Sa nadaramang hindi naman sadya pero parang tinadhana
O bakit ba?
Umiikot ang paligid at damdamin
Ipilit man ngunit di kayang di ka isipin
Di na sana susubukan ngunit sa iyong mata’y nawawala
O bakit ba?
‘Pagkat sa libo-libong pagkakataon
Kung saan walang tiyak ang panahon
Tanging bulong ng puso ko
Ang panghahawakan
Makapiling ka lamang
Kahit panandalian
Iwasan ma’t sabihin sa aking damdamin
Ngunit kahit anong pilit pang isipin
Hindi sigurado ngunit bakit tama ang nadarama
Hawakan mo ang aking puso at mawala
Kahit panandalian

ALSO READ:  [LYRICS] Lomodo – Namaanisha

‘Pagkat sa libo-libong pagkakataon
Kung saan walang tiyak mula noon
Tanging nararamdaman sayo
Ang panghahawakan
Makasama ka lamang
Kahit panandalian
Iwasan ma’t sabihin sa aking damdamin
Alam kong hinding hindi ka lilimutin
Walang sigurado ngunit bakit tama pag kasama ka
Hawakan mo at hayaan mong mahalin kita
Kahit panandalian
Kahit panandalian
Kahit, kahit sandali lang
Kahit, kahit sandali lang